Tiniyak ni opposition Senator Risa Hontiveros na mananatiling agresibo ang kanilang panig kahit kakaunti na lamang ang natitirang minority lawmakers.
Ayon kay Hontiveros sa panayam ng Bombo Radyo, sa ngayon ay dalawa lamang silang aktibo sa kampo ng minorya, kung saan kasama niya si Sen. Koko Pimentel III.
Pero pag-amin ng senadora, may inaasahan pa silang sasali sa grupo sa pagpasok ng 19th Congress.
Hindi muna idinetalye ni Hontiveros ang iba pang mambabatas na nakikipag-ugnayan sa kanila sa mga nakaraang araw.
Matatandaang maraming nawala sa hanay ng minorya sa pagtatapos ng 18Th Congress, kung saan nagtapos na ang termino nina Senate Minority Leader Franklin Drilon, habang nabigo naman sa vice presidential race si Sen. Kiko Pangilinan at bigo namang makapasok sa magic 12 si Sen. Leila de Lima.