-- Advertisements --

Ipinagpaliban muna ang nakatakdang pagdinig bukas ng Senate blue ribbon committee sa kinikwestyong proseso ng pagbili ng bilyong halaga ng medical supply ng PS-DBM sa Pharmally.

Ang hakbang ng komite ay upang mabigyan ng tyansa ang mga tauhan ng panel na magkaroon ng break, matapos ang sunod-sunod na hearing.

Pinagbigyan ang mungkahi ng mga tauhan matapos ang napagkasunduang paglalabas na ng initial committee report mula sa nakalipas na 11 hearings.

Tumanggi naman si Sen. Richard Gordon na ilahad ang nilalaman ng kanilang rekomendasyon, lalo’t wala pa itong lagda ng mga miyembro ng panel.

Pero una nang sinabi ni Gordon na may mga dati at kasalukuyang opisyal ng PS-DBM ang posibleng kasuhan dahil sa maling paggamit ng pondo ng gobyerno at pagpasok sa kontrobersyal na deal sa Pharmally.