-- Advertisements --

Nauwi sa mainitang pagtatalo ng mga resource person ang pagdinig ng Senate committee on women, children, family relations and gender equality na pinamumunuan ni Sen. Risa Hontiveros, kaugnay sa pastillas scheme issue sa Bureau of Immigration (BI).

Hindi napigilan ng dating special envoy to China na si Ramon Tulfo at dating Justice Sec. Vitaliano Aguirre ang kanilang personal na alitan habang nakasalang sa public hearing.

Kapwa nagbatuhan ng akusasyon ang dalawa, lalo’t si Tulfo ang itinuturo ni Aguirre na nagpakalat ng isyung siya ang padrino ng mga tiwaling nagpapapasok ng undocumented Chinese, kapalit ng suhol na nakabalot na tila “pastillas.”

Dahil sa bangayan ng dalawa, tinapos na lang muna ni Sen. Hontiveros ang Senate inquiry.