-- Advertisements --
image 193

Magsasagawa ng pagdinig ang Senate Committee on Foreign Relations kaugnay sa kahilingan ng Estados Unidos sa gobierno ng Pilipinas na pahintuluytang pumasok at pansamantalang manirahan dito ang mga refugees mula sa Afghanistan.

Batay sa Notice na inilabas ng Senate panel, isang public hearing ang isasagawa ng Senate panel, sa halip na isang executive meeting dahil sa kahalagahan at urgency ng naturang usapin.

Ang notice para sa nasabing pagdinig ay inilabas kaagad ng Senado, isang linggo lamang mula nang ihain ni Senator Imee Marcos ang resolusyon kaugnay nito.

Gaganapin naman ang nasabing pagdinig sa araw ng Biyernes.

Magugunitang naglabas ng pagkabahala si Sen. Imee sa planong pagpapatuloy sa mga Afghan refugees sa bansa dahil sa banta nito sa national security at public safety ng bansa.

Maliban dito, ikinababahala rin ng Senador ang aniya’y kakulangan ng detalyeng inilalabas ng pamahalaan ukol dito.