-- Advertisements --
image 366

Kailangan pa ring patuloy na imonitor ng pamahalaan ang mga susunod na hakbang ng International Criminal Court(ICC).

Ito ang paniniwala ni Senate Committee on Justice Chairperson Senador Francis Tolentino, sa kabila ng naging pahayag ng Malakanyang na hindi na makikipag-ugnayan ang Pilipinas sa High Court.

Ayon sa Senador, ang paghihiwalay ng Pilipinas mula sa ICC ay hindi nangangahulugang mawawala na lahat ng komyunikasyon.

Dahil dito, mahalaga pa rin aniyang i-monitor ng Office of the Solicitor General ang mga susunod na hakbang ng tribunal, kasama na ang magiging takbo ng imbestigasyon.

Mahalga rin aniyang tutukan ang mga iprepresentang argumento sa pagpapatuloy ng kanilang imbestigasyon sa drug war ng nakaraang Duterte administration.

Samantala, naniniwala naman si Tolentino na maaaring mabasura o maisantabi ang pag-isyu ng Warrant of Arrest laban kina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa, dahil sa hati ang naging desisyon ng mga husgado ng International Criminal Court.