Natanggap na ng Senado ang mga isinumiteng dokumento mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR) kaugnay ng tax records ng mag-asawang Vice President Sara Duterte at Atty. Mans Carpio, pati na rin ng mga korporasyong konektado sa kanila.
Ang mga isinumiteng papeles, kasama ang iba pang subpoenaed documents, ay kasalukuyang ini-inventory at pinoproseso bago ipamahagi ang kopya sa mga partido.
Ang paglalabas ng mga dokumento mula sa BIR ay otorisado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Layunin ng pagsusuri sa mga tax records na masuri ang posibleng iregularidad sa paggamit ng pondo at operasyon ng mga kaugnay na korporasyon.
Pinatitiyak ng Senado na ang lahat ng ebidensiya ay maayos na maitatala at mapoproseso bago ito gamitin sa paglilitis.
Ang hakbang na ito ay nakikitang mahalaga upang mapalakas ang transparency at pananagutan sa gitna ng impeachment proceedings.
















