-- Advertisements --

Itutuloy ngayon ng Senado ang target approval sa third and final reading para sa COVID Vaccination Program Bill, matapos abutin ng alas-9:00 ng gabi ang kanilang sesyon.

Bunsod ito ng mahabang debate at pag-amyenda sa panukalang batas.

Kaya naman maagang sisimulan ngayong Martes ang kanilang plenary session para sa paghimay ng pending na panukala bukas.

Sa naturang bill na isinusulong ni Sen. Sonny Angara, inilalatag at pinabibilis ang proseso para makabili ng Covid-19 vaccines ang national government, local government units (LGUs) at pribadong sektor.

Itinatakda rin ang paglalaan ng P500 million na indemnity fund para sa magkakaroon ng adverse effect ng bakuna, maliban pa sa mismong alokasyon ng mga lokal na pamahalaan.

Magiging exempted na rin ito sa buwis para sa pag-import at distribusyon, kasama na ang mga pasilidad na kinakailangan sa pagbabakuna.

Plano ring maglabas ng vaccination passport o vaccination certificate ang makakatanggap ng bakuna.