-- Advertisements --
Nagbigay ng suhestiyon si Senator Raffy Tulfo sa Department of Labor and Employment (DOLE) na dapat ay magpaskil sila ng karatula sa mga lugar na nagsasaad ng minimum wage at mga benepisyo na matatanggap ng isang empleyado.
Ayon sa senador na sa ganitong paraan ay mabibigyang ng sapat na impormasyon ang mga empleyado kung magkano ang nararapat na sahod na kanilang dapat tanggapin.
Nakasaad din aniya doon sa nasabing karatula ang hotline ng DOLE para maiparating ng isang empleyado ang reklamo nito sa kaniyang employer.
Dagdag pa nito na kumuha rin ng DOLE ng mga call center agents na siyang sasagot sa mga reklamong ipinaparating sa kanilang opisina.