Iginiit ni Sen. Robin Padilla na inosente si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ipinupukol sa kanyang pangako sa China na tatanggalin ang BRP Sierra Madre sa Isla ng Ayungin.
Ginawa ni Padilla ang paglilinaw bilang pagtatanggol sa dating pangulo ng bansa.
Giit ng Senador, si Duterte pa nga ang nagtanggol sa soberanya ng bansa at hindi kailanman siya magiging traydor sa Pilipinas at sa pamahalaan.
Iginiit din ng Senador na si Duterte ang nagpalakas sa Armed Forces of the Philippines at Phil Coast Guard na silang nagpo-protekta sa soberanya ng Pilipinas.
Maalalang una nang naghain ng resolusyon ang Makabayan Bloc upang maimbestigahan ang naunang claim ng China na umanoy nangako ang Pilipinas na tatanggalin ang BRP Sierra Madre sa Isla ng Ayungin.
Ayon sa kinatawan ng ACT Teachers Partylist na si Cong France Castro, maaaring si Pang. Duterte ang nagbitaw ng naturang pangako, dahil una nang tiniyak ng iba pang buhay na pangulo na hindi sila nangako sa China.