Hiniling ni Senator-Judge Robin Padilla na isumite ang mga credential ni National Bureau of Investigation (NBI) Cybercrime Investigation Unit Senior Agent John Mark Calilung.
Ito’y matapos ang pagdinig nitong Miyerkules, Hulyo 8, kaugnay ng pagtalakay sa Article IV ng Articles of Impeachment na may kinalaman sa alegasyon ng grave threats laban kay Vice President Sara Duterte.
“Ginoong tagapamahala ng Hukumang ito, nais ko lamang po sanang hingin ang mga credentials ng saksi, kasama po ang lahat ng kaniyang certification, upang mapatunayan po natin ang lahat,” ani Padilla
Ayon kay Padilla, mahalagang maiprisinta sa impeachment court ang mga kwalipikasyon at sertipikasyon ng testigo upang matiyak ang kaniyang kakayahan at kredibilidad kaugnay ng mga ebidensiya at testimonya na kaniyang iniharap.
Si Calilung ay isa sa mga testigong iniharap ng prosecution panel sa pagpapatuloy ng paglilitis sa Ikalawang Pangulo. Sa kaniyang testimonya, tinalakay niya ang ilang dokumento at digital materials na kabilang sa mga ebidensiyang iniharap laban sa Bise Presidente.
Bukod dito, tinanong din ni Padilla ang testigo kung sino ang nag-record ng orihinal na Zoom meeting na naging bahagi ng ebidensiya ng prosecution.
Sa naturang video, makikita kasi ang naging pahayag ni Vice President Sara hinggil sa umano’y pag-uutos sa isang hitman sakaling may mangyaring masama sa kaniya.















