Binabati ng Lungsod ng Taguig si Senator Pia Cayetano sa pagkapanalo nito sa World Health Organization (WHO) 2023 World No Tobacco Day Award.
Kilalang advocate ng tobacco control ang senadora na patuloy at matagumpay na nagtaguyod ng mga batas, programa, at proyekto para labanan ang paninigarilyo, vape at heated tobacco products (HTPs).
Kung maalala nuong 2014, isinusulong ni Senator Pia Cayetano ang Graphic Health Warning bill na nilagdaan bilang batas ang Republic Act 10643 at ipinaglaban din ang Sin Tax Reform Act of 2012 (Republic Act 10351) at iba pa.
Ang pagkilala sa senadora, ay naglalayong kilalanin ang mahahalagang kontribusyon ng mga indibidwal at organisasyon tungo sa pagkontrol sa tabako, Patunay din ito na prayoridad ni Cayetano ang kalusugan ng publiko at sa kanyang patuloy na pagsisikap na panatilihing ligtas ang mga Pilipino mula sa mga nakakapinsalang produktong ito.
Ipinagmamalaki ng pamahalaang lokal ng Taguig ang parangal na iginawad kay Sen. Pia Cayetano.
Sa kabilang dako, ikinalulugod naman ng Department of Health (DOH) ang pagkilala kay Senator Pia Cayetano na mula sa Pilipinas ng World Health Organization (WHO) para sa kanyang dedicated advocacy sa pagtataguyod ng pandaigdigang kampanya laban sa tabako, na kilala bilang World No Tobacco.
Ang World Health Organization (WHO) ay nagbibigay ng mga naturang pagkilala sa buong mundo, na naglalayong alisin ang paggamit ng tabako at hikayatin ang mas malusog na pamumuhay sa buong mundo.