Nagpahayag ng pagkabahala si Senator Nancy Binay kaugnay sa tila pagkawala na ng interes ng mga Pilipino sa paggunita ng anibersaryo ng makasaysaya’t mapayapang 1986 EDSA People Power Revolution na hinangaan ng buong mundo.
Inihayag ng Senadora na hindi dapat kalimutan ng mga Pilipino ang diwa ng EDSA People power revolution dahil parte ito ng kasaysayan ng mga Pilipino.
Ang ama ni Senator Binay na si dating Vice Pres. Jejomar Binay ay isang aktibong human rights lawyer sa panahon ng rehimen ng nakakatandang Marcos. Habang si Sen. Binay naman ay kasa-kasam noon ng kaniyang ama sa ilang mga rally sa Liwasang Bonifacio sa pag-alala sa EDSA People Power.
Inaalala din ng Senadora na isa siya sa mga namahagi ng pagkain sa mga tao na nasa EDSA noon at kasama ng kaniyang ama si Senator Joker Arroyo noon na nagbabantay sa Malakanyang matapos umalis ang pamilya Marcos at nasaksihan din niyang kung gaano kagulo ang sitwasyon noon sa Palasyo.
Umaasa naman ang Senator na matutunan ng kasalukuyang henerasyon at mga susunod pa kung ano ang nangyari noong 1986 na nagresulta sa pagwawakas ng dictatorial regime.