Ibinunyag ni Senate President Sherwin Gatchalian na mayroong seryosong sakit si Senator Loren Legarda.
Kasunod ito sa pagpapalawig ni Legarda ng kaniyang medical leave sa ikaapat na pagkakaton ngayong linggo.
Unang naghain ito ng medical leave mula Agosto 3-5 hanggang pinalawig niya ito ng Agosto 11-12, Agosto 17-19 at Agosto 24-26.
Pinakahuli ay naghain ito ng leave ng mula Setyembre 1 hanggang 2.
Paglilinaw ni Gatchalian na dahil sa naka-leave ang Senador ay hindi naman ito tumatanggap ng kaniyang sahod.
Dagdag pa ng Senate President na alam niya ang medical condition ng kapwa niya Senator.
Itinanggi na rin ni Legarda na kaya ito umalis sa bansa ay dahil sa mayroon itong kinakaharap na plunder case.
Magugunitang hiniling ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla noong Hulyo 31 ang preliminary investigation kay Legarda at anak nitong si Representative Leandro Leviste ng Batangas, kasama si dating Energy Secretary Alfonso Cusi dahil sa pagsasabwatan ng mga ito para makuha ang exclusive government rights sa solar energy resource.















