-- Advertisements --

Nagpahayag si Sen. Panfilo Lacson ng tinawag niyang “double relief” matapos siyang mapalitan bilang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, ang komiteng nagsisiyasat sa mga alegasyon ng iregularidad at katiwalian sa gobyerno.

Pinalitan si Lacson ni Sen. Pia Cayetano, isang linggo matapos mahalal bilang Senate President ang kanyang kapatid na si Sen. Alan Peter Cayetano sa gitna ng biglaang pagbabago sa liderato ng Senado.

Sa isang post sa kanyang X account, sinabi ni Lacson na nakahinga siya nang maluwag sa kanyang pagkakabawas sa tungkulin bilang pinuno ng komite.

Sa ilalim ng kanyang pamumuno, pinangunahan ni Lacson ang imbestigasyon sa umano’y maanomalyang flood control projects, na naging bahagi rin ng pagbuo ng mga kaso laban sa ilang personalidad na naiugnay sa kontrobersiya. (Report by Bombo Jai)