Inamin ni Sen. Panfilo Lacson na nagkapaliwanagan na sila ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr. ukol sa mainit na isyu ng transparency sa pagbili ng COVID-19 vaccine.
Ayon kay Lacson, nagpalitan sila ng saloobin sa chat group nila ng mga kapwa graduate ng Philippine Military Academy (PMA), kasama si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.
Doon umano ay naglahad siya ng pagkadismaya sa mga pahayag ni Galvez, habang ang kalihim naman ay nagbahagi rin ng hinanakit sa mga kumukwestyon sa pinasok na deal sa vaccine manufacturers.
Giit ng senador, hangad lang niya at ng ibang mambabatas na matiyak na wala korapsyon sa vaccine deal, lalo’t pera ng taong bayan ang bilyon-biyong nakalaan dito.
Dagdag pa nito, kung hindi nasilip ng mga mambabatas ang isyu, baka nawala na lang ang $16.8 billion na bahagi ng alokasyon.
Pero sa panig ng vaccine czar, nakatipid raw ang pamahalaan ng $700 million, batay sa kanilang naging pagtaya.










