Naghayag ng suporta si Senator Christopher “Bong” Go sa panukalang batas na magpapabago sa minimum height requirements para sa mga aplikante sa Philippine National Police (PNP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Bureau of Fire Prevention (BFP) at Bureau of Corrections (BuCor).
Batay sa Senate Bill No. 1563, na inihain ni Senator Ronald dela Rosa, ay binabanatan ang height requirement sa five feet and two inches para sa mga lalaki, habang five feet naman para sa mga babae na gustong pumasok sa mga naturang law enforcement agencies at maging uniformed personnel.
Mananatili namang walang height requirement sa mga aplikante na napapabilang sa indigenous groups.
Pinapurihan ni Go ang panukala ni dela Rosa, sa pagsasabing makatutulong ito pra palakasin ang law enforcement at firefighting forces at iba pang first-responders sa oras ng emergencies at calamities.
“I want to commend the good sponsor for pushing for this measure and I wish to manifest my support and my intention to co-author this bill modifying the minimum height requirement for PNP, BJMP, BFP, and BuCor personnel. Malaking tulong rin po ito upang mapalakas at mapatatag ang ating mga kapulisan, bumbero at iba pang first-responders pagdating ng oras ng sakuna,” sinabi ng senador.
Aniya, ito ay magbibibigay sa ating mga Kababayan ng mas maraming opurtunidad para makapagsilbi sa bansa.
“Marami pong lumalapit sa akin kahit noong hindi pa ako Senador. Nagpapatulong para ma-waive o mabawasan ang minimum height requirement sa pagiging pulis at bumbero. Marami pong gustong magsilbi sa kapwa tao, kailangan lang po natin silang bigyan ng oportunidad na tumulong at magserbisyo,” dagdag nito.
Una nang kinuwestiyon ng senador kung bakit na-vetoe ng nakaraang administrasyon ang batas na magpapawalang-bisa sana noong 2013 sa height requirements para sa mga aplikante sa PNP, BFP at BJMP.
Sinabi naman ni dela Rosa na kanila nang tinugunan ang mga naturang usapin at iginiit ng kanyang panukala na magpapababa sa height requirements, at hindi para tuluyan itong alisin katulad nang napawalang-bisang panukalang batas.
“Seriously apprehensive of the concerns propounded by the PNP and BJMP in the safety of their personnel in the performance of their duties, as well as public safety in general as the nature of their work in guarding detainees or escorting criminals, must possess the necessary physical attributes to perform their functions effectively,” wika ni Dela Rosa.
Dati nang sinasaluduhan ni Go ang law enforcement officers sa bansa sa pagsasabing, muli nilang itinayo at pinaghusay ang kanilang reputasyon sa mata ng publiko dahil sa kanilang disiplina at integridad.
“Makikita niyo ngayon, ang mga pulis, ginagalang at nirerespeto na. Suportado namin kayong lahat ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sa abot ng aming makakaya, tutulong kami sa inyo bilang pagkilala sa inyong mga sakripisyo para mapangalagaan ang kapakanan ng mga Pilipino. Nang umupo ang ating Pangulo sa Malacañang, inatupag niya kaagad na madoble ang sahod ng mga miyembro ng Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, Bureau of Jail Management and Penology, Bureau of Fire Protection at iba pang kaugnay na ahensiya,” dagdag pa ng senador.
Ibinahagi din niya na naghain siya ng panukala na magkakaloob ng
free legal assistance sa police at military officers.
Paliwanag niya, minsan ay nagdadalawang-isip ang mga law enforcers na ipatupad ang sukdulan ng batas sa pangamba na makaladkad ng mga makapangyarihang personalidad na maaring magsampa sa kanila ng kaso habang ginagampanan ang kanilang tungkulin.
“Kailangan din nating pagbutihin ang lahat na suportang legal na ibinibigay ng pamahalaan sa kapulisan upang mabigyan sila ng lakas ng loob na gampanan ang kanilang tungkulin, basta sa tamang paraan na naaayon sa batas,” saad ni Go.
Noong Hulyo ng nakaraang taon ay naghain si Go ng Senate Bill 393, o mas kilala bilang An Act Providing Free Legal Assistance to Any Officer or Enlisted Personnel of the Armed Forces of the Philippines and the Philippine National Police on Any Charge Before the Prosecutor’s Office, Court or Any Competent Body Arising from an Incident or Incidents Related to the Performance of Official Duty.
Ibinahagi din ng senador kamakailan na ang long-term modernization plans ng PNP at AFP ay naipatupad na at nasunod ang schedule.
Inihain din niya noong Hulyo ng nakaraang taon ang SB 204 o Act Strengthening and Modernizing the Bureau of Fire Protection, Providing Funds Therefor and for Other Purposes.
Layon ng naturang panukala na mapag-ibayo ang kapabilidad ng BFP para protektahan ang taumbayan at mga ari-arian mula sa mapampinsalang sunog.
Mandato din ng panukalang batas ang pagdaraos ng monthly fire and disaster awareness information drives, lalo na sa informal settlements at economically depressed areas.