Hinikayat ni Sen. Bong Go ang Inter-Agency Task Force (IATF) at National Task Force (NTF) for COVID-19 na ikonsidera ang mabusisi at scientific na pag-aaral sa mga proposal kaugnay sa motorcycle backriding alinsunod sa health and safety protocols na dapat ipatupad para sa proteksyon ng mga motorcycle drivers, backriders at publiko.
Sinabi ni Sen. Go, dapat magsagawa ang IATF at NTF ng konsultasyon sa mga riders at motorcycle safety experts para makatulong sa pagdetermina ng mga measures na kailangang ipatupad sa backriding gaya ng paglalagay ng makeshift shields sa mga motorcycle units.
Ayon kay Sen. Go, hindi dapat madaliin dahil kailangang pag-aralang mabuti lalo buhay ng mga kababayan ang nakataya dito.
Inihayag ng mambabatas na bigyan ang mga Pilipino ng mabisang solusyon at hindi dagdag na konsumisyon at tiyaking ligtas ang paggamit ng shields o anumang installation sa motorsiklo para maiwasan ang aksidente at hawaan ng sakit.
“I urge the IATF and NTF COVID-19 to thoroughly and scientifically study various designs for backriding. Huwag madaliin dahil kailangang pag-aralan ng mabuti ito, lalo na dahil buhay ng mga kababayan natin ang nakataya dito,” ani Sen. Go.