-- Advertisements --

Inamin ni Sen. Christopher “Bong” Go na wala pa rin siyang pinal na desisyon kung tatakbo bilang pangulo sa 2022 elections.

Ito’y sa kabila ng kumpirmasyon ng PDP-Laban na tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nominasyon sa kaniya para sa pagka-bise presidente.

Ayon kay Go, pinag-aaralan pa rin niya ang sitwasyon hanggang sa panahong ito.

Una nang sinabi ng kampo ng senador na papayag lang itong tumakbo sa higher office, kung ka-tandem niya si Pangulong Duterte.

Pero maliban kay Go, lumulutang din ang pangalan ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

-- Advertisement --

Gayunman, hindi ito kabilang sa PDP-Laban, kundi nasa Hugpong ng Pagbabago na isang regional political group.