-- Advertisements --
Hinikayat ni Senator Sherwin Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na ayusin ang proseso ng mga pagkuha ng mga bagong guro.
Kasunod ito sa Commission on Audit na nagkakarooon ng problema ang DepEd na punan ang mga bakanteng posisyon.
Dagdag pa ng mambabatas na hindi katanggap-tanggap na maramng mga silid-aralan ang kulang pa rin ng mga guro.
Aabot aniya sa 22.676 milyon na mga mag-aaral ang naitala ng DepEd na nakapag-enroll sa pagbubukas ng klase.
Base sa datos na nakuha ng senador na mayroong 30,000 o nasa 15,000 ang teacher positions at aabot ng hanggang walong buwan bago makakuha ng bagong guro.