Pinayagan ng korte sa Muntinlupa si Senator Leila De Lima magkaroon ng limang araw na medical forlugh para sa pagpapa-opera nito.
Sa court order na ipinalabas ni Presiding Judge Abraham Joseph Alcantara ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 204, pinayagan nila ang senador na magiging epektibo ang medical forlugh para sa operasyon at confinement mula June 19 hanggang 25.
Babantayan ito ng PNP na nakatalaga sa PNP Custodial Service Unit habang naka-confine ang senador sa Manila Doctors Hospital.
Magugunitang noong Abril 5 ng magpa-check up ang senador ay na-diagnosed ito ng pelvic organ prolapse stage 3 at pinayuhan ng kaniyang doctor na sumailalim sa vaginal hysterectomy with anterior and posteriro colporrhany.
Nakakulong ang senador sa PNP Custodial Center sa Camp Crame, mula pa nong Pebrero 2017 dahil sa alegasyon ng pagkakasangkot nito sa pagkalaganap ng iligal na droga sa New Bilibid Prison.