-- Advertisements --

Umatras sa pagtakbo bilang pangulo si US Senator Cory Booker.

Ito ay matapos na mabigo siyang ma-qualifiy sa Democratic debate.

Sinabi ng New Jersey Democrats, na mahirap ang naging desisyon nito at hindi na niya pinilit ang sarili na lumaban pa.

Inamin nito na nahirapan silang makalikom ng pondo para sa nasabing kampanya.