-- Advertisements --

Mariing itinanggi ni Senator Alan Peter Cayetano na mayroong mga anomalya sa imprastraktura na isinagawa sa lungsod ng Taguig.

Ang nasabing alegasyon ay matapos na isinumite ni Senator Panfilo Lacson sa Office of the Ombudsman ang mga ebidensiya sa umanoy mga infrastructure projects sa lungsod ng Taguig.

Ilalabas pa ni Lacson ang ilang mga ebidensiya sa mga gaganaping Senate Blue Ribbon ukol sa nasabing usapin.

Sa social media account ni Cayetano ay pinasalamatan niya ang mga mamamayan ng Tagug dahil sa naniniwala silang walang naganap na anomalya.

Hindi rin aniya ito tama na ikumpara ang naganap na kurapsyon sa Bulacan at sa mga darating na panahon ay lalabas din ang katotohanan.