Iminungkahi ni Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go na mapagkalooban din ng one-time financial assistance ang provincial local government units (PLGUs).
Ginawa ni Go ang pahayag matapos ianunsiyo ng national government na magbibigay ito ng one-time “Bayanihan” financial assistance sa mga lungsod at munisipalidad katumbas ng kanilang one-month Internal Revenue Allotment (IRA).
Batay sa rekomendasyon ng senador, ang halaga na ipagkakaloob ay katumbas ng isang kalahati ng buwanang IRA ng probinsiya.
Ito ay upang epekto nilang matugunan ang dagdag na pangangailangan ng kanilang mga residente sa gitna ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) health emergency.
“PLGUs play a crucial role in implementing the measures imposed by the national government to control the spread of the virus. It would be beneficial to the people if PLGUs are also given additional funding to better respond to the needs of their constituents,” pahayag ni Go.
Higit na mahalaga, ayon sa mambabatas na matiyak ng PLGUs ang kahandaan ng kani-kanilang provincial hospitals para tugunan ang COVID-19 health emergency.
“Marami sa mga patients natin ay sa provincial hospitals po unang dinadala. It is the PLGUs that pay for the operations of these hospitals,” ani Go.
Ang apela ay kasunod ng pagkakaapruba sa rekumendasyon ni Go na magpalabas ng one-time “Bayanihan” financial assistance sa mga lungsod at munisipalidad.
Ang halaga ng ayuda sa bawat lungsod o munisipalidad ay katumbas ng isang buwang IRA.
Ang PLGUs ay hindi na makatatanggap ng bagong naaprubahang panukala para maiwasan ang redundancy lalo’t magkaparehas lamang ang kanilang since constituents sa munisipalidad at lungsod na nasa ilalim ng kanilang hurisdiksiyon.
Gayunman, sinabi ng Senador na kahit kalahati lamang ng buwanang IRA ng PLGU’s ang ilalaang pondo ay malayo ang mararating nito para palakasin ang kapasidad ng mga probinsiya para respodehan ang krisis lalo’t tumataas ang bilang ng mga pasyente sa kanilang mga lokalidad.
“Huwag na nating hayaan na kumalat pa ang virus. Ihanda na natin ang mga probinsya kahit sa pinaka-malalayong mga lugar. I-equip na natin ang kanilang mga ospital. Dagdagan na rin natin ang mga testing centers and quarantine facilities,” paliwanag ni Go.
Sa sulat na ipinadalaa ng Union of Local Authorities of the Philippines, ang umbrella organization ng leagues of local government units, sa pamamagitan ng kanilang national president at Quirino Governor Dakila Carlo Cua ay umapela ang grupo ng kaparehong ayuda na ibibigay sa PLGUs sa kung ano ang inaprubahan para sa cities and municipalities.
Ipinunto pa sa liham na ang provincial governments, bilang highest form of government sa sub-national level ay may mahalagang papel para tugunan ang COVID-19 situation bilang tagapamagala ng health care provider networks salig sa Universal Health Care Law.
Ipinaliwanag ni Go na maliban sa pagbibigay halaga sa provincial hospitals, ang dagdag na pondo kapag naaprubahan ay magagamit ng PLGUs para tukuyin at tiyakin na fully equipped ang isolation units in sa kanilang lugar; naipapamahagi ang relief goods at iba pang basic necessities sa harap nang ipinamamahagi ng national government; tiyakin ang borders sa pamamagitan ng checkpoints kasama ang uniformed personnel; magkaloob ng transportation at iba pang pangangailangan ng front liners at health workers; garantiyahan ang walang humpay na paggalaw ng goods and commodities; tiyakin na ang Bayanihan to Heal as One Act Act at iba pang executive issuances may kaugnayan sa COVID-19 ay mahigpit na ipinatutupad at gampanan ang iba pang tungkulin na may kinalaman sa COVID-19 situation.
“Sa panahong ito, konsensya niyo na lamang ang tututok sa inyo. Siguraduhin natin na magamit ang pondo ng tama, walang masayang, at maramdaman ng mga tao kahit sa malalayong lugar ang tulong mula sa gobyerno. Gamitin lang ng mabuti ang pondo pangtulong sa mga tao. Importante ang tiyan ng bawat Pilipino, dapat walang magutom. Importante na malampasan natin ito ng sama-sama, walang pulitika, at walang pinipili ang tinutulungan,” pagtatapos ng Senador.