Pinayuhan ni Senadora Nancy Binay ang Department of Tourism (DOT) na huwag nang ipilit na gamitin ang slogan na “LOVE THE PHILIPPINES”.
Para kay Binay, hindi wais kung ipipilit pa ng DOT at ng mga taong nasa likod ng marketing campaign na ipagpatuloy ang paggamit ng slogan na “LOVE THE PHILIPPINES” matapos ang natamong negatibong epekto dahil sa kontrobersyal na video.
Paliwanag ng senadora, kung may ilalabas pa na tv commercial o ad campaign video ang DOT, hindi na magandang isugal ang bagong slogan dahil ang mangyayari ay aabangan na lang ito ng mga netizens para gawan ng mga spoof at gawing katatawanan.
Inirekomenda ni Binay na ibalik at gamitin na lamang ng ahensya ang subok na tourism campaign ng bansa at mula rito ay gumawa na lamang ng tactical marketing plan para maiwasan na ang anumang butas na masabotahe ito.