Kinumpirma ng PNP Forensic Group na Wala pang nagma-match sa DNA testing mula sa mga butong nakuha sa Taal Lake, sa kasagsagan ng paghahanap sa mga labi ng mga nawawalang sabungero.
Ito ang inihayag ni Philippine National Police o PNP Forensic Group Director Police Brig. Gen. Danilo Bacas, nang matanong ni Batangas Rep. Gerville Luistro sa pagdinig ng House Committee on Human Rights.
Ayon kay Bacas, 29 lamang sa 34 pamilya ng mga nawawalang sabungero ang nakapag-sumite ng kanilang DNA samples.
At mula sa mga nagpadala ng DNA samples, sinabi ni Bacas na walang nag-match o nagtugma ni isa man lamang.
Ayon pa kay Bacas, mula sa 163 human bones na nasuri, may resulta na ang 45. At dito, walang tumugma sa mga kaanak ng missing sabungeros.
Tiniyak naman ni Bacas na nagpapatuloy pa ang ginagawang forensic examination.