-- Advertisements --
image 177

Inihayag ni dating PNP chief at kasalukuyang Senator Bato dela Rosa na isa sa akusado sa war on drugs ng Duterte admin. na hindi ito nababahala subalit nakahanda ito sa anumang maaring mangyari dahil ang sitwasyon ng pulitika sa ating bansa ay pabago-bago.

Ginawa ng Senador ang pahayag kasunod ng sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pinag-aaralan ng kaniyang administrasyon ang pag-anib muli ng ating bansa sa International Criminal Court (ICC).

Nanindigan din si Sen. Dela Rosa na nagsilbing PNP chief at nagpatupad ng polisiya sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na iniimbestigahan ng ICC, na handa siyang humarap sa hukuman ng ating bansa. Subalit hindi aniya ito haharap sa isang foreign body at hindi aniya ito nangangahulugan na lalayas ito sa bansa.

Matatandaan na nasa 6,000 katao ang napaslang sa war on drugs ng Duterte administration.

Sa kaalaman din ng lahat, ang ICC na binuksan noong 2002 ay ang natatanging permanent court sa buong mundo na lumilitis sa war crimes at crimes against humanity at layuning usigin ang pinakamalubhang pangaabuso sa oras na hindi kaya o ayaw gawin ng national courts.