Isang lalaki naman sa Hilagang bahagi ng Mexico ang kinailangan iligtas mula sa butas na kanyang hinukay upang mag-espiya umano sa kanyang dating nobya.

Ayon sa Sonora state general’s office, ginugol ng 50-anyos na lalaki ang ilang araw upang gawin lamang ang nasabing butas.

May naririnig umano na ingay ang babae ngunit hindi niya ito masyadong binigyan ng pansin dahil akala niya ay pusa lamang ito. Hanggang sa tila lumakas daw ang ingay kung kaya’t tiningnan niya ito at nakita ang kanyang dating nobyo.

Ayon sa mga otoridad, mukhang lasing ang lalaki at uhaw uhaw nang matagumpay itong tanggalin mula sa butas.

Ito ay isa lamang daw pruweba sa paglabag nito sa restraining order na isinampa ng kanyang dating nobya dahil sa di-umano’y pambubugbog nito.

-- Advertisement --