-- Advertisements --
JOEL ESCORIAL
CREDITS: PNP-PIO

Iginiit ni Philippine National Police chief PGen. Rodolfo Azurin Jr. na hindi niya inirerekumenda na gawing state witness sa kaso ni Percy Lapid ang self-confessed gunman na si Joel Escorial.

Kasunod ito ng naging pahayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa posibilidad na ipasok sa Witness Protection Program si Escorial kung makapagbibigay ito ng vital information sa mga otoridad na makakapagturo sa kanila kung sino talaga ang mastermind sa nasbing kaso.

Ayon kay Azurin, nakasalalay pa rin sa Department of Justice ang pagpapasya kung maaari bang maging state witness ang nasabing gunman batay sa sinusunod na parameters nito.

Ngunit binigyang-diin niya na hindi pa rin niya inirerekumenda ito dahil si Escorial daw kasi ang pangunahing suspek at most guilty sa naturang kaso dahil sa pag-amin nito na siya mismo ang bumaril-patay sa nasabing brodkaster.

Samantala, sa kabilang banda naman ay sinabi ni PNP chief Azurin sa Bombo Radyo Philippines na tanging mga witness lamang sa naturang kaso ang isa pang middleman kinilala bilang si Christopher Bacoto na hawak nila sa Bureau of Jail and Management and Penology (BJMP) at si Jose Villamor, ang pinsan ng namatay na middleman sa loob ng New Bilibid Prison na si Jun Villamor.