-- Advertisements --

Mas dinoble pa ng Spain ang ipinapatupad na seguridad matapos ang pagsabog ng letter bomb.

Kasunod ito sa magkakasunod na pagkakadiskubre ng letter bomb.

Noong nakaraang linggo ay isang hinihinalang letter ang ipinadala sa opisina ng Prime Minister habang isa rin ang ipinadala sa US embassy sa Madrid.

Nitong nakaraang araw din ay sumabog ang letter bomb na ipinadala sa Ukrainian embassy na ikinasugat ng isa nilang empleyado.

Dahil sa pangyayari ay dinoble ng interior ministry ng Spain ang ipinapatupad nilang seguridad.

Patuloy din ang ginagawang imbestigasyon kung anong grupo ang nasa likod ng pagpapadala ng mga letter bomb.