CEBU CITY – Mananatiling mahigpit ang security measures na ipinapatupad sa lungsod ng Cebu kaugnay sa nalalapit na Grand Celebration ng Sinulog Festival 2020 sa darating na Enero 19.

Ito ay matapos na kumpirmahin ni Presidential Assistant for Visayas Michael Dino na sa kauna-unahang pagkakataon ay bibisita at manonood si Pangulong Rodrigo Duterte sa Grand Mardigras.

-- Advertisement --

Sa panayam ng Bombo Radyo Cebu kay Cebu City Police Office (CCPO) director Col. Engelbert Soriano sinabi nito na patuloy ang kanilang koordinasyon sa iba pang concerned government agencies para sa mahigpit na seguridad.

Aabot sa 6,000 na pulis ang ikakalat ng Cebu PNP para sa naturang event.

Samantala, nakatakda namang magpatupad ng signal shutdown sa oras na mayroong mamataang banta sa seguridad.