NAGA-CITY- INAASAHAN na an pagsisimula ng traslacion procession maya-maya lang dito pa sa lungsod ng Naga bilang bahagi pa ng selebrasyon ng Penafrancia festival. Kasabay nito, asahan din na magiging mahigpit an seguridad na ipapatupad ng mga kapulisan upang masiguro ang kaligtasan ng lahat na mga debotong dadalo.
Ayon kay PCOL Nelson Pacalso, ang City Director ng NCPO naka high alert na ang nasa 1, 384 na mga kapulisan at mga kasundaluhan na naka deploy na sa buong ruta na dadaaanan ng nasabing procession simula pa kaninang alas 4 ng umaga.
Kaugnay nito, matatandaan naman na nauna nang dumating ang nasa 1, 500 na augmentation force mula naman sa Regional office bilang dagdag na security noong Setyembre 7, 2022. Habang kagabi naman dumating itong mga kasundaluhan na aalalay din sa mga awtoridad sa lungsod.
Inaasahan pa na tatagal naman ang mga nabanggit na augmentation force sa lungsod hanggang sa susunod na linggo dahil magkakaroon pa ng fuvial procession.
Samantala, patuloy naman ang isinasagawang random checking ng mga vaccination at booster card sa mga taong papasok sa Naga City bilang pag-iingat pa rin sa COVID-19 virus at isinara narin kaninang alas 9 ng umaga ang mga pangunahing daanan o main road para sa clearing ng mga sasakyan. Suspendedo na rin ang ilang mga trabaho at klase dahil narin sa nasabing aktibidad.
Nilinaw naman ng lokal na gobierno ng Naga na sa ngayon wala paring kumpirmasyon kung kailan isasagawa ang signal jamming dahil tinitingnan pa rin ng mga ito ang sitwasyon sa buong lungsod.
Sa ngayon, handa umano ang mga kapulisan sa anuman na worst case scenario na pwedeng mangyari kaakibat ng isasagwang traslacion ito’y sa kabila ng panawagan o nakiusap na ang City Government ng Naga at simbahan sa mga deboto na iwasang magbalyahan at sumunod naman sa lahat ng alituntunin na ipinapasunod ng mga awtoridad.