-- Advertisements --
image 25

Tuluy-tuloy pa rin ang peace at security mission ng Joint Task Force Negros (JTFN) sa kabila ng pagtatapos ng operasyon para sa paggalugad ng mga operatiba sa sugar mill coumpound sa Sta. Catalina sa Negros Oriental nitong nakalipas na linggo.

Ayon sa tagapagsalita ng Task Force na si Maj. Cenon Pancito III, nananatili pa rin ang security threats o banta sa seguridad sa Negros Oriental lalo na sa panibagong developments kaugnay sa pagpaslang kay Governor Roel Degamo at walong iba pa sa bayan ng Pamplona noong Marso 4.

Hindi rin niya masabi kung ano ang maaaring susunod na mangyayari na nakadepende sa patuloy na paggulong ng imbestigasyon.

Sa ngayon patuloy aniya ang kanilang pagprotekta sa mga testigo at kanilang mga pamilya sa kabila pa ng pagkakaaresto ng mga suspek.

Ayon kay Maj. Pancito, wala pang iniuulat na panibago ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na findings simula ng marekober ang mga dokumento at personal items na pagmamay-ari umano ng mga suspek sa Pamplona masaccre.

Ang sugar mill property na hinalugad ng mga awtoridad kamakailan ay bahagyang pagmamay-ari ni dating Negros Oriental Governor Pryde Teves.