Sinimulan na ng Japan at China ang kanilang unang pormal na security talks.
Ito ang unang pagkakataon na pag-uusap matapos ang apat na taon naginanap sa Tokyo.
Ang nasabing pag-uusap ay para mabawasan ang tensiyon sa dalawang bansa.
Ikinakabahala kasi ng Japan ang patuloy na pag-angkin ng China sa Taiwan ganun din ang pagiging malapit nito sa Russia.
Sinabi ni Chinese vice foreign minister Sun Weidong na ikinakabahala nila ang pagbabago sa security posture na ipinapatupad ng Japan.
Habang ayon naman kay Japanese deputy foreign minister Shigeo Yamada ang military drills ng China at Russia ganun din ang pagpapalipad ng hinihinalang surveillance balloons ng China.
Naniniwalas si Yamada na may potensiyal na magiging malapit ang China at Japan.
Huling nagsagawa ang dalawang bansa ng security dialogue noong Pebrero 2019.