-- Advertisements --

NAGA CITY- Sugatan ang isang security guard matapos pagtatagain sa Brgy Palola, Lucban, Quezon.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO) napag-alaman na habang nasa kanyang trabaho bilang isang security guard sa Unica Flora Farm nang makita nito ang suspek na kinilalang si Danilo Banaera na lango sa alak.

Nabatid na si Banaera ay ang mismong caretaker rin ng nasabing farm.

Base sa imbestigasyon bigla na lamang umanong sinugod ng suspek ang biktima gamit ang isang karit.

Kung saan pinilit umanong agawin ng biktima ang nasabing patalim resulta upang mag-tamo ito ng mga tama sa kanyang katawan.

Kaugnayn nito agad naman umanong nakatakas ang suspek matapos ang insidente.

Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad at pinaghahanap narin ang nasabing suspek.