-- Advertisements --
Security and Exchange Commissions

Nagpalabas ng abiso ang Securities and Exchange Commission (SEC) para sa publiko at iwasan ang pag-invest sa BitdefiHub Advertising.

Ang naturang nagpapakikilang invetsment firm ay nangangakong ma-dodoble ang investor’s money sa loob lamang ng 10 days.

Ang BitdefiHub ay nauna nang natukoy ng SEC ng dahil daw sa pagbebenta ng investment contracts ng wala namang kaukulang registration at permit.

Napag-alaman din na ang BitdefiHub ay nang-eengganyo sa publiko lalo na sa public na mag-invest ng minimum na P300 kapalit ng kikitaing 20 percent sa kita kadala araw.

Habang ang mga investors na magdeposit ng P500 ay pinangangakuan na kikita ng P100 kada araw na aabot ng P1,000 nakalipas abng 10 days.

Kung mag-invest naman ng P3 million ay kikita ng P600,000 sa loob lamang ng isang araw at maari pang madoble ng P6 million matapos ang 10 days.