Naglunsad ang Securities and Exchange Commission ng amnesty program para sa mga korporasyon na nabigong sumunod sa mga regulator’s reportorial requirements.
Ang corporate regulator ay naglabas din ng isang listahan ng 298,335 ordinaryong mga korporasyon, na nabigong magsumite ng kanilang general information sheets nang tatlong beses nang sunud-sunod o paulit-ulit sa loob ng limang taon.
Sa kabilang banda, itinatadhana ng Section 177 ng Revised Corporation Code of the Philippines na maaaring ilagay ng SEC ang isang korporasyon sa ilalim ng deliquent status sakaling mabigo silang magsumite ng kanilang mga requirments ng tatlong beses.
Gayunpaman, para mabigyan ng pagkakataon ang mga hindi sumusunod at hindi aktibong mga korporasyon na ibalik ang kanilang kumpanya sa magandang katayuan, naglunsad ang SEC ng isang amnesty program.
Sinabi nito na ang mga karapat-dapat na korporasyon ay maaaring mag-avail ng amnestiya sa pamamagitan ng pagtanggap sa web-based Expression of Interest form sa kanilang SEC Electronic Filing and Submission Tool (eFAST) account.
Gayundin ng pagbabayad ng amnesty fee at petition fee, sa kaso ng mga nasuspinde at binawi na mga korporasyon.
Una na rito, ang mga nasuspinde at ang revoked na mga korporasyon ay dapat ding magsumite ng kanilang mga petisyon upang alisin ang kanilang suspensyon o pagpapawalang-bisa nito.