-- Advertisements --
Naglabas ng babala ang Securities and Exchange Commission (SEC) sa publiko laban sa iligal investment schemes na iniaalok ng dalawang kumpanya.
Ang mga ito ay kinilalang Rollyx Trading/Rollyx Financial Services/Rollyxtrading.com at Benta Sahod Slot ni Cezsia Perez/Queences Lungalog Perez.
Ayon sa SEC na ang mga ito ay sangkot sa investment activities sa bansa na hindi naman otorisado ng commission.
Isa umanong online platform ang nasabing mga kumpanya na nag-aalok sa mga biktim na mag-invest sa iba’t-ibang packages na nangangakong tiyak na kita.
Pinayuhan ng SEC ang publiko na laging tignan ang mga listahan nila sa mga investment company bago pasukin ang nasabing mga kumpanya.