-- Advertisements --

Nagbabala ang Securities and Exchange Commission (SEC) sa isa na namang investment scam na kanilang na-monitor.

Partikular na tinukoy ng SEC ang LOKAL.PLATE CORPORATION o kilala bilang “LOKALPLATE” sa social media.”
Kinilala ang nagpapatakbo nito na isang Brian James So.

Bagama’t SEC registered ito, wala raw lisensya ang kompaniya upang mangalap ng investment mula sa publiko na isang malinaw na paglabag sa Securities Regulation Code.

Bukod dito, nakasaad sa Articles of Incorporation ng LOKAL.PLATE na hindi kasama sa kanilang pangunahing layunin ang mag-alok ng “franchising” sa halip ang kanilang layunin ay ang magbenta, mag-promote at mag-advertise ng mga produktong pagkain online.

Dahil dito, pinapayuhan ng SEC ang taong bayan na iwasang mag-invest sa ganitong uri ng scheme, dahil sa huli ay masasayang lamang ang inilalagak na puhunan.