-- Advertisements --

Umakyat na sa 33 ang bilang ng COVID-19 infections sa Kamara, ayon kay House Secretary General Markl Llandro Mendoza.

Ayon kay Mendoza, hinihintay pa nila sa ngayon ang clearance mula sa mga doktor ng pitong pasiyente, na magsasabi kung sila ay naka-recover na sa sakit.

Nilinaw naman din nito na ang kasalukuyang bilang ng COVID-19 cases na kanyang iniulat ay hindi pa kasama sina Majority Leader Martin Romualdez, Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor at Negros Oriental Rep. Jocelyn Sy Limkaichong dahil sa labas ng Kamara ang mga ito nagpa-test.

Sa ngayon, naka-lockdown ang Kamara sa loob ng apat na araw simula ngayong Marso 18, 2021 sa gitna nang pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases sa Metro manila.

Ayon kay Speaker Lord Allan Velasco, ang temporary lockdown na ito ay precautionary measure para protektahan ang kalusugan at kaligtasan ng mga miyembro at empleyado ng Kamara.