-- Advertisements --
Naghain na ng irrevocable resignation si Secretary Vince Dizon bilang presidente ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA).
Naungkat ang isyu nang sumalang sa pagdinig ng Senado ang mga opisyal ng BCDA, para sa taunang pondo ng ahensya.
Ayon kay BCDA Executive Vice President Aileen Zosa, naiparating na ang resignation letter kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Epektibo ang pagbibitiw noon pang Oktubre 15, 2021, ngunit hindi lang agad naisapubliko.
Gayunman, tiniyak ng National Task Force Against COVID-19 na hindi maaapektuhan ang kanilang trabaho sa pag-alis ni Dizon sa BCDA.
Maliban kasi sa pagiging pinuno ng BCDA, siya rin ang testing czar at deputy chief implementer ng National Task Force Against COVID-19.