-- Advertisements --

Binuksan na ng Commission on Population and Development (CPD) ang nationwide search para sa 2023 Rafael M. Salas Kaunlarang Pantao Award (RMS-KPA) Most Outstanding Barangay Population Volunteers and Workers.

Ang nasabing patimpalak ay upang mabigyan ng pagkilala ang effort ng mga brgy population volunteers sa buong bansa, kasama na ang kanilang dedikasyon, commitment, at pagnanais na maibigay ang sapat na serbisyo sa mga komyunidad.

Batay sa naging anunsyo ng CPD, ang mga sumusunod ang magiging basehan sa pagpili sa mga awardee: Performance, impact of performance and achievement, commitment and dedication, at integirty and professionalism.

Hinihikayat naman ng nasabing ahensiya ang lahat ng mga interesadong indibidwal na magpadala lamang ng Letter of Expression sa kani-kanilang mga municipal o City population officer.

Ang mga ito ay sasailalim pa rin sa screening ng City o municipal, batay sa mga nabanggit na criteria.

Samantala, ang mga mananalo sa National Level ay mabibigyan ng mga gantimpala, katulad ng cash, plaka, at iba pa.