Lea Denise Belgira
Lea Denise Belgira

ILOILO CITY- Sinalubong ng hero’s welcome ang Sea Games 2019 gold medalist sa Women’s Mountain Bike Downhill Event na si Lea Denise Belgira.

Sa homecoming ni Belgira na tubong Buenavista, Guimaras,isang enggrandeng selebrasyon ang inihanda na pinangunahan ng Provincial Government ng Guimaras kung saan nag-perform pa ang 2019 Manggahan Festival champion na Hubon Balsahan ng bayan ng Sibunag at ang Good Shepherd’s Fold Academy Drum and Bugle Corps.

Maliban sa hero’s welcome, tumanggap din si Belgira ng cash incentive na Php 100,000.00 mula sa Guimaras Provincial Government.

Napag-alaman na ito ang pinakaunang sabak ni belgira sa Seagames at pinakaunang gold medal sa downhill women cycling.