Muli na namang namayani ang Pilipinas sa cycling competition makaraang masungkit ang gold medal sa nagpapatuloy na 30th Southeast Asian Games cycling competition na ginanap sa Praying Hands Monument sa Tagaytay.

Nakuha ng Pinay cyclist na si Jermyn Prado ang women’s road event individual time trial para tapusin ang laban sa oras na 44:44.742.

Naging mahigpit na karibal ni Prado ang Singaporean athlete na si Yiwei Luo na nagbulsa ng silver medal sa oras na 44:48.518.

Pumangatlo naman ang Thailand sa pamamagitan ni Phetdarin Somrat na nagtapos sa 44:58.152.

Nitong hapon tumulong naman sa medal haul gamit ang bronze medal ni Avegail Rombaon na pumangatlo sa Women’s Cycling Cross Country.

Sa ngayon sa pagtatapos ng ikalimang araw nakatipon na ang bansa ng five golds, five silvers at six bronze medals.