-- Advertisements --
Nag-anunsyo ang Philippine Ports Authority (PPA) na inalis na ang suspensyon ng mga sea trip sa mga daungan sa Western Samar bagama’t nananatili itong naka-hold sa mga daungan ng Northern Samar sa gitna ng Tropical Depression Amang.
Sa pagbanggit ng abiso mula sa Coast Guard Station sa Western Samar, sinabi ng PPA na maaaring muling tumulak ang mga barko sa mga daungan ng Calbayog at Maguino-o.
Ito’y matapos pansamantalang ihinto dahil sa malalakas na alon dala ng sama ng panahon.
Sa ngayon, ang ibang pasahero ay nananatili pa rin sa ilang mga pantalan dahil ang ibang sasakyang pandagat ay hindi pa rin pinapayagang magpalaot dahil sa Bagyong Amang.
Una nang inihayag ng Philippine Coast Guard, na libu-libo na ang nastranded sa mga pantalan.










