-- Advertisements --

ILOILO CITY – Magpapadala ng appeal letter ang Iloilo City Government upang ipagpatuloy ang sea and aerial search sa lumubog na Gulf Livestock 1 matapos hagupitin ng Bagyong Maysak sa Japan.

Ito ay kasunod ng desisyon ng Japan Government na ihinto na ang operasyon at magsasagawa na lang ng regular patrol search.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na pumunta mismo ang pamilya ng mga Ilonggo crew ng nawalang barko.

Ito’y para magpasaklolo na mahanap ang kanilang kaanak.

Napag-alaman na 36 Pinoy pa ang patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad kung saan tatlo sa mga ito ang tubong Iloilo.