-- Advertisements --
61323428 3252759164737992 6620774837918892032 n
IMAGE | Tetsuiji Kawakami of Association for Technical Cooperation and Sustainable Partnerships and Sec. Fortunato de la Peña/DOST

Pinaplantsa na ng Department of Science and Technology (DOST) ang programa nito na magbibigay ng scholarship sa mga natatanging Pilipino na nais tumulong sa pagpapaunlad ng bansa sa pamamagitan ng pananaliksik.

Bilang delegado ng pamahalaan sa 25th Nikkei International Conference on the Future of Asia, nakipag-pulong si Sec. Fortunato de la Peña sa opisyal ng ilang unibersidad sa Japan.

Sa nagdaang meeting, isinulong ng kalihim ang scholarship para sa Filipino scholars na nais mag-aral ng mga programang nasa ilalim ng Harmonized National Research and Development Agenda.

Bukod dito, nakipagpulong din ang DOST secretary sa mga opisyal ng Japan Aerospace Exploration Agency (JAXA) para kasunduang suportahan ang pagbuo ng panukalang Philippine Space Agency.

Habang technical at management training sa Japan o sa Japanese-affiliated companies ang naging sentro sa meeting ni de la Peña kay Tetsuiji Kawakami ng Association for Techinical Cooperation and Sustainable Partnerships.