Ikinokonsidera ng Department of Migrant Workers ang pagkakaroon ng isang scholarship program para sa nursing students na popondohan ng mga bansang nais mag-hire ng mga Pilipinong nurse.
Ayon kay Migrant Workers Secretary Susan Ople, mataas kasi ang demand ngayon para sa mga Pilipinong nurse sa mga bansang gaya ng Canada, Singapore at Japan.
Dito, nais ng DMW na magkaroon ng mga probisyon sa bilateral labor agreements na nagsasaad na ang mga bansang nais na mag-hire ng mga Pilipinong nurse ay dapat na mag-ambag sa scholarship fund.
Bagamat inilarawan ni Ople ang kontribusyon na ito bilang semi-voluntary at walang itatakdang partikular na halaga.
Paliwanag ni Ople na iniiwasan nito ang pagkakaroon ng mandatong minimum fee para sa mga bansa na nais na mag-hire ng nurses mula sa Pilipinas.
Inaantay pa sa ngayon ng DMW ang tugon ng Commission on Higher Educations na siyang magiging katuwang ng Migrant Workers department sa pagpapatupad ng nurse scholarship program.