-- Advertisements --

Pinaigting ng Office of Civil Defense (OCD) ang response efforts sa Albay matapos maapektuhan ng ashfall mula sa bilang Mayon ang 52 barangay sa Guinobatan, Camalig, at Ligao City.

Ayon sa OCD, nagpapatuloy ang road clearing, pamamahagi ng face masks, tubig, at koordinasyon sa mga ahensya habang nananatili sa Alert Level 3 ang bulkan at ipinatutupad ang pagbabawal sa pagpasok sa 6-kilometer Permanent Danger Zone.

Tumulong sa clearing operations ang Bureau of Fire Protection, Department of Public Works and Highways, at Philippine National Police upang agad malinis ang mga pangunahing kalsada at matiyak ang kaligtasan ng mga motorista.

Habang nagbabala rin ang mga awtoridad laban sa pagpasok sa danger zone at paglipad ng aircraft malapit sa bulkan.

Samantala, muling nagpaalala ang PHIVOLCS sa banta ng rockfalls, lava flow, pyroclastic density currents o uson, pagsabog, at lahar mula sa bulkan lalo na kapag may malakas na ulan.