-- Advertisements --
Pasok na sa quarterfinals ng PBA 50th Season Commissioners’ Cup ang San Miguel Beermen.
Ito ay matapos na talunin nila ang Phoenix Super LPG 116-104 sa laro na ginanap sa Ynares Center.
Mayroon ng pitong panalo at limang talo ang Beermen sa pagtatapos ng eliminations.
Bumida sa panalo ng Beermen si Bennie Boatwright na nagtala ng 32 points habang mayroong 20 points naman si Jericho Cruz at 14 points naman ang naitala ni Don Trollano.
Ayon kay San Miguel coach Leo Austria na mayroon silang respeto sa mga laro kaya pinayuhan ang mga manlalaro na ituloy ang pagpapanalo sa kanilang mga laro.
Hindi naman umubra ang nagawang 26 points at 13 rebounds ni Jonathan Williams at 18 points ni Kenneth Tuffin para sa Phoenix.
















