-- Advertisements --

Patay ang isang katao matapos na masagasaan ng isang eroplano sa Denver International airport.

Ayon sa mga otoridad, na bigla na lamang tumawid sa runway ng paliparan ang lalaki habang dumdaan ang Frontier Airlines na Airbus A321.

Paalis na sana ang eroplano mula Denver patungo ng Los Angeles kung saan mayroong sakay ito na 224 na mga pasahero at pitong crew members.

Dahil sa pangyayari ay naantala ang paglipad ng eroplano at inilipat sa ibang eroplano ang mga sakay nito.

Nagkasunog din ang bahagi ng cabin ng eroplano kaya agad na dumating ang mga bumbero at mga emergency crew.

Bagamat hindi na inilabas ang pagkakakilanlan ng biktima ay naniniwala ang mga otoridad na isang empleyado rin ng paliparan ito.